Biyernes, Oktubre 14, 2011


sakripisyo




by: solicita felicio 



ang pagmamahal ay lubhang kay saklap 
sa matinong mundo bakit nalasap 
biyakin mo man ang puso nag pupumiyos .. 
ikw parin ang laman.. hapdi 
sa pag tahak ng landas kay saklap saklap 


ginoo,y tinig koy dinggin mo 
mag kusa ka at akoy daupin mo.. 
sa habag mo ginoo ako bay hagkan 
o iyong mapag palang kamay 
hatid sa akin ay kabiguan 


bakit ang buhay ay isang gulong 
na kung misan akoy na lulubog 
sa bakong bakong daanan akoy 
dababaon!! 
wala na bang pag aahon 

isang tala ang nagliwanag 
sa aking puso't isipan 
naging gabay sa bawat pag lalakad 
naging matangumpay ang bawat pag halakhak 


ngunit tila bay mawawalan ng saysay 
lahat ng sakripisyo koy mistulang 
isang katangahan .sa aking damdamin 
mistulang hagupit nang karahasan 

ako ba ay natatakot 
o sadyang ayaw sa katotohanan 
mailap na kasagutan ayokong 
ipamutawi sa lahat .. 


Mas mainam pa palang magbata ng pisikal 
na paghihirap pagkat ang sakit ng katawan ay dagling nalulunasan 
samantalang ang paghihirap ng damdamin at isipan ay may katagalan 


aking sakripisyo di mo man lang pinahalagahan 
damdaming bugso ay katangi tangii di mo kayang tumbasan 
ngunit mag pag gayun paman di kita kayang kalimutan 


ang pagibig nga talaga pag pumasok sa puso ninuman 
hahamakin ang lahat masunod ka lamang 
kahit masilayana ang mukha ng kabiguan 
bulag parin ang puso sa katotohanan 
ikaw at ikaw pa rin ang siyang nilalaman 


hayaan mong mag patuloy ako 
kahit panandalian lamang 
sa pagkat akoy di na rin mag tatagal 


babaunin ko ang mga ngiti sa labi mo 
gagawing lakas ang mga luha mo 
di ako malalayo sa tabi mo 
gagabayan kita hanggang 
may taong mag pasaya sayo 


salamat kahit di mo ako minahal 
dahil ikw ang naging ilaw ng aking buhay 
sa aking pag laya wag ka sanang 
mahahabag. huwag mo akong silipin ng iyong kahabagan





kahit ako'y tatahak sa mundo di sa hinagap ng iyong isipan
akoy paparoon . haharap sa  lumikha
ngiti ang tutumbas sa karanasang ipinamalas nya
masaya ang umibig lalo na kung itoy dalisay
ngunit di lahat ng ito ay may katotohan .








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento