Sa paglalang ng sangkatauhan, binigyan nang kulay ng maykapal
ang madilim na kalawakan.
Nag saboy,nag palaganap ng maningning na liwanag
na bumuo sa araw.
Kasabay ng paglikha ang pag buo na kalangitan na siyang
kabaligtaran ng kalupaan,
Binigyan ng kulay ang mga kagubatan ,kasama sa paglalang
ng buhay ng inang kalikasan.
Binigyan ng puwang na mabuhay ang tao ng diyos
Sa maganda niyang obra.
Ito ay ang mundo, ang mundo na may
magagandang tanawin,mga puno hitik sa bunga,kaparangang kulay berde.
Tayo ay binibiyayaan ng magandang regalo mula sa maykapal.
Ang kanyang likha ay walang pag aatubiling ipagkatiwala sa kamay
ng kanyang mga nilalang gaya ng tao. ,
Ngunit tao ay sadyang gahaman at abusado, kanyang gawa ay di makatao,
mga bundok,puno pawang na kalbo.
Mga hayop ngayon ay tuliro walang mga tirahan walang pangmakunan
ng makakain sa kagubatan, di man lang nahabag sa inang kalikasan.
na pundasyon ng karangyaan.
kapag si inang kalikasan ang nag wala siguradong buhay mo ay
walang kawala.
Ganun din naman wikang tinalaga ng diyos sa bawat rehiyon at bansa,
yaman ng pilipinas wikang kanyang namulatan naghinagpis ang bayan ng may
panggulong dayuhan.
Niyurakan at pinagtawanan ang wikang kinagisnan ngunit
ang ating mga bayani ay lumaban.
karapatan ng pilipino pinagpilitan at ating nakamtan ang kasarinlan ng bayan,
sa panuto ni gat.jose rizal "ang di mag mahal sa sariling
dugo't pawis buhay ang ginugol ng lahat upang makamtan ang
wikang ating pangarap.
sa dikalaunan,naging pambansang wika ng pilipinas wag sanang kalimutan o pagpilitan.
ang ating sarili sa pag ampon ng salita ng ibang lahi,upang masumpungan
ang landas tungo sa kapayapaan.
ang wika at kalikasan ay sadyang kaylangan ,parehong handog ng may kapal,
ngunit ngayon kapwa nasira at pinagsamantalahan.
Wagas na Pagmamahal ay Sadyang Kaylangan upang sila'y tunay na pangalagaan,
tulad ng pagmamahal ng diyos sa sangkatauhan
kalagayan ng wika't kalikasan muli nating tunghayan at alagaan,
iyo nalamang ba siyang pababayaan???
o pag mamahal mong wagas ang siya mong ilalaan.
Samasama tayong protektahan at pagyamanin ang atng wika at kalikasan ito
ang susi sa atin tungo sa pagunlad wag mo sana pabayaan ang regalo sayo ng may kapal.
Read more: http://wiki.answers.com/Q/Sa_pangangalaga_sa_wika_at_kalikasan_wagas_na_pagmamahal_ay_talagang_kailangan#ixzz1alUCr7z6
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento