Sabado, Oktubre 15, 2011
AKLATAN TUNGO SA KAUNLARAN
by: solicita felicio
hindi tao ngunit nakakapag kwento .hindi naman puno ngunit ang dahoy ay malago . di nman dyos subalit alam ang hiwaga ng mundo ano ito??
ito ay ang libro ... librong di kumikibo ngunit sadyang napakahalaga sa buhay ng tao . na kung saan ito ay lunsaran ng kaalaman para sa lahat na humuhubog sa bawat indibidwal . ngunit paano nga ba nating masasabi na ang libro ay may malaking gampaning ginagawa sa buhay ng tao paano ito na kakapag dulot ng kapakinabangan sa atin bilang bahagi sa ating lipunan !!
bilang isang istudyante sa pampublikong paaralan ang mga silid aklatan ang pangunahing baitang tungo sa kaunlaran na kung saan ang mga nilalaman nitong kaalaman ay magagamit nating sandata laban sa kamangmangan at kahirapan .
utang natin sa mga aklatan ang ating ibat-ibang kasanayan
kasanayang ginagamit natin sa pang araw araw na buhay .
mga asignaturang binabatay sa bawat saling pahina na lubhang mahalaga sa aspeto ng edukasyon. dahil ang mga aklatan ang nag bibigay ng mga impormasyon na pinag yayaman ang kritikal mong ka sanayan.at pag papalawak ng iyong himahinasyon .mga librong taga reserba ng nakaraang sibilisasyon na nag lalaman ng ibat-ibang historikal na nakaraan , mga taong dinakila at nakilala dahil sa di matutumbasang mga ambag nila sa kasaysayan , pag papakilala sa iyong pinag mulan mga bagay bagay na di maintindihan ay kayang solusyonan ng pag lilinaw ng mga aklatan.
ng dahil sa libro henyo ay sumbibol at nag bibigay linaw sa sikolohiya ng ating mundo. malaking porsyento ng tao sa buong mundo ang dumedepende parin sa nilalaman ng aklatan kahit moderno na ang ating panahon mabisa parin itong kuhaan ng mga ideya at sagot .. kahit ang mga kagamitan natin ngayon ay mataas ang kalidad ng tenolihiya iba parin ang hatid ng nilalaman ng libro .
..dahil sa aklatan mahahasa ang ating kagalingang bumasa at sumulat at walang mangmang ang makakapuna sa bawat dokrinang iyong ma tutunan. wlang sinong palalong tao ang makakapang loko sayo !!
ang aklatan tungo sa kaunlaran yan ang katotohanang ibibigay ng bawat aklatan kaya bawat libro ay pag kaingatan huwag mo itong ipag sasang tabi lamang sapagkat ang iba nga dyan ay nag tyatyaga sa iisa at sira-sirang libro sa mga pambublikong paaralan . tumbasan sana natin ng pag papahalaga ang ating mga silid aklatan dahil sila ang huhubog sa modelong kabataan ng mag sisilbing produkto ng mataas na edukasyon sa ating lipunan .
kung ikaw ay maraming natutunan ito ang magiging daan natin tungo sa kaunlaran gaya ng mayayamang bansa sa asya . pahalagahan ng may pag iingat ang mga silid akltan kung hindi dahil sa mga aklatan walang taong ma bubuhay sa kamang mangan .....kung walang aklatan wala kang matutunan :)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento