Huwebes, Nobyembre 17, 2011

               Makabagong kabataan ,kabalikat
              tungo sa pag sagip sa kalikasan





                      paano makatulong ang ating kabataan sa pag sagip sa ating kalikasan iyan ang aking katanungan ?kung iisipin ang mga musmus ay walang kakayahan sa pag protekta sa ating kapaligiran ‘ wika nga ng ilan ay puro pag papasaway at bulakbol lamang ang ginagawa ng  mga kabataan at kung minsan ay sakit ng ulo sa lipunan. marahil  epekto  ito  ng pangit na kapaligiran na kanilang ginagalawan.  May ilang humuhusga sa kakayahan ng kabataan at nasasabihan ng masasamang bagay gaya nlamang ng walang mararating ang mga ito ngunit taliwas ang aking paniniwala laban sa kanilang sinasabi. ako ay na niniwala na malaking gampanin ang kanilang gagampanan sa ating lipunan , sabi nga
                ‘kabataan’’ ang pag asa ng ating bayan, ito ang palasak na kasabihan ng ating bayaning si jose rizal. Dahil ang ating kabataan ay malikhain ang pag iisip at hindi kinukubli ang kaalaman sa pangangalaga sa ating kalikasan. Sila ang tulay tungo sa pag babago ng ating kapaligiran sa kanila mag sisismula ang pag babago na hindi na gawa ng nakakatanda,dahil sa kaalamang natutunan sa eskuwelahan maiisabuhay ng mga kabataan ang kahalagahan ng kapaligiran at kung paano ito protektahan at pangalagaan  at dahil alam nila ang epekto nito sa buhay ng tao  . ang kamalian ng matatanda ay maaring itama ng mga masunuring bata .dahil sa simpleng pag tatapon at pag bubukod ng basura ay malaki ang nagagawa nito sa ating kapaligiran , dahil sa disiplinang nalinang sa kanilang kamalayan ay hindi nila lalapastanganin na sirain ang kagubatan bagkus sila pa ay nakikiisa sa pag tatanim ng mga puno sa kagubatan, sumasali sa mga programa na may kinalaman sa pag proprotekta sa kaliksan gaya nalamang ng takbo para sa ilog pasig, no mining in Palawan malaking porsyento nakilahok ay kabataan. tunay ngang makabagong kabataan kabalikat tungo sa pag sagip sa kalikasan tulay sa kaunlaran. bilang kabataan kumilos ka at huwag hahayaang masira ang iyong kapaligiran dahil ito ang pamana saatin ng may kapal